Biyernes, Pebrero 13, 2015

THE FALLEN 44

THE FALLEN 44 


BLOODY SUNDAY OF JANUARY

Nakakagulat ang balita tungkol sa pagkakapatay sa tropa ng PNP-SAF araw ng linggo (Enero 25). Ang balitang ito ay naging sensational sa lahat ng uri ng media dito sa Pilipinas hanggang ngayon may kinalaman parin dito ang mainit na ibinabalita sa araw-araw. Bumuo ng investigation body ang Philippine National Police para magsiyasat sa madugong pagkakapatay sa fallen 44 at ang senado naman ay meron isinisagawang bukod na pag-iimbestiga sa ilalim ng committee on public order and dangerous drugs sa pamumuno ni Senadora Grace Llamanzares upang imbestigahan ang pangyayari sa Mamasapano, Tulikapadao,Maguindanao.

PINTAKASI

Lubhang mapanganib ang lugar na target ng mga PNP-SAF dahil nasa loob ito ng kuta ng BIFF, MILF at iba pang mga armadong grupo, patag ang lugar at walang mapapagtaguan. Bago pa magtungo alam narin ng mga PNP-SAF ang panganib ng Pintakasi o pagtutulungan.Magkakamaganak ang mga miyembro ng MILF at BIFF kung sakaling may kaaway na papasok sa kanila kahit magkaiba sila ng grupo hindi mawawala sa kanila ang pagtutulungan.Heto nga ang nangyari napagtulungan ng nagsanib na puersa ng mga rebelde ang mga pulis na naubusan ng ammunition at wala ng kalabanlaban kaya minabuting sumuko. Pero malupit ang mga rebelde sa halip na bihagin na lamang ang mga sumusukong pulis nagpakita pa sila ng kabangisan at walang awang binistay ng bala. Pagkatapos na mapatay nila ang mga pulis walang pakundangan hinubaran, ninakawan ng mga personal na gamit at sinamsam ang mga armas.Ang ganitong kalupitan sa mga biktima na talagang hindi na bubuhayin ay may katawagan sa wikang inglish na.....

COLD BLOODED

Cold Blooded ano ba ang ibig sabihin nito? Sangguniin natin ang kahulugan ng phrase sa Merriam-Webster Online Dictionary
" showing no sympathy or mercy : done in a planned way without emotion."
Yan ang kahulugan walang simpatiya o walang awa : ginawa sa isang binalak na paraan nang walang habag. Kung baga sa salitang inglis Without mercy on the part of the criminal and without struggle on the part of the victim.Ganito ang nangyari sa 44 na miyembro ng special commando ng PNP na pinatay nag walang awa ng mga rebeldeng MILF at BIFF.Maihahalintulad natin ang 44 pulis sa mga usa na pagkatapos masukol ng mababangis na mga leon ay nilapa pa at hindi tumigil hanggang hindi nauubos ang laman ng mga biktima. Ganito kabangis ang mga MILF at BIFF na walang pinagkaiba sa mga halimaw na hagom sa sa pagkitil ng buhay.

BLAME GAME

Merong ugali itong pangulo ng ating bansa na si Mr. Benigno Cojuangco Aquino III na laging may sinisisi kahit saan siya magpunta o anuman ang kaniyang sabihin bukang bibig ng taong ito ang manuro (palibhasa apo ng makapili) kung sino ang dapat na pagbuntunan nami kasalanan. At umiral na naman ang nakaugalian niyang ito para mapagtakpan ang kaniyang sariling pagkakamali.Inako ni Pnoy ang responsabilidad sa pagkamatay ng 44 na pulis pero sa kabila ng pag-ako sinisi naman nito ang Philippine National Police-Special Action Force head police director Getulio Napeñas Jr.

 FALL GUY?


Halos inako na lahat ni Napeñas ang responsibilidad sa paglusob ng kanyang mga tauhan sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25 upang hulihin ang teroristang si Zulkifli bin Hir alyas Marwan at Basit Usman na nagresulta sa pagkamatay ng 44 miyembro ng SAF.Kawawang hepe ng PNP sinisisi ang sarili na parang siya lamang ang may pagkakasala sa pagkamatay ng 44 na kaniyang mga tauhan. Oo, siya ang hepe pero ang operasyon hindi niya dapat akuin na siya ang lamang ang tanging may plano dahil merong paring mga nakakataas sa kaniya na na nagbibigay ng order na kaniyang sinusunod. Sa senate inquiry, sinabi naman ni Senadora Santiago na ang problema kay Napeñas inako niya ang lahat ng responsabilidad sa operation at nagdududa ang senadora na in full control si Napeñas sa nasabing operasyon ng PNP-SAF at sa tingin ni Senadora Grace Poe Llamanzares isang Fall guy ang sinipang Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) Chief.